Tweet pagsalin nang mga salita
Català |
PAGBIBIGAY TULONG NA NAKABASI NANG PAMAYANANni Phil Bartle, Doktor ng Pilosopiyaisinalin ni Gerasmo G. PonoBilang pagpupugay kay Rädda Barnen*Mga Babasahin nang isang PagsasanayPag ang pamayanan ay maaring gumawa nang palikuran, bakit hindi sila maaring pakilosin para sa paggawa nang mga para mga tao nang pamayanan?panimula Ito ay isa sa mga dokumento sa pagsasanay ukol pagpapakilos nang pamayanan upang makamit ang bang pakay, na dilang ukol sa pagpapatayo nang mga pasilidad tulad nang patubig, klinika o paaralan. Ang nais makamit sa gawaing ito ay mga programa ukol sa serbisyo para sa mga mahihinang kasapi sa pamayanan, marami sa kanila ay maaring makakilos nang kailang sarili kung bigyan nang kaunting tuong o suporta. Ano ang mga Gawain ukol sa tao? Ang kurso ukol sa Gawain nang mga Tao ay isang halo nang ibat ibang bagay. Ito ay kadalasan ginagamit nang mga kawani nang pamahalaan nang mga bansang kanluran (Europa at Hilagang Amerika) samantalang marami sa dayuhang pribadong grupo ang may mga tauhan na tulad nito. Ang mga benepisyaryo nang Pagbigay Tulong ay kadalasan tinatawag mahihina, tulad nang mga tao na may mga kapansanan o sa isang katayuan na naglagay sa kanila bilang isang mahina kung ihambing sa ibang mga tao sa pamayananan. Sila ay naglakip nang mga tao na nangangailangan nang tulong. Sila ay ang maga taong may kapansanan sa pagkilos at pag iisip, mga tao na hindi makapagtrabaho o maka alaga nang kanilang mga sarili. Sa mga di pangkaraniwang kaso, sila ay ang mga asawang babae (na sinaktan nang kanilang mga asawa sa pamamagitan nang pambubugbug o pangaliwa - at hindi makaiwas sa ganitong katayuan nang kanilang mga sarili), mga matatandang masakitin, mga batang ulila na walang mga magulang na makapagsuporta sa kanila, o mga sinasaktan. Ang mga gawain nang mga tumutulong nang mga tao ay naglakip nang pamamahala at pagbigay nang mga payo, at kunting panggagamot (kadalasan sa pag iisip) at pangsuporta. Ang gawain nang mga Tagabigay Tulong ay ang pagbigay nang kanyang mga kliyente nang kunting paalala, payo, kaalaman, pagpayo kung kinakailangan. Ang bawat kaso ay magkaiba. Ang mga Tagabigay Tulong galing nang pamahalaan o mga pribadong grupo sa mga Kanlurang Bansa (Europa at Hilagang Amerika) ay nagbigay nang serbisyo kadalasan bibibigay nang mga matatanda at membro nang pamilya nang ibang mga bansa. Ang pagbibigay tulong na serbisyo ay masyadong mahal para sa mga pamahalaan sa mga hindi masyadong maunlad na mga bansa. Ang salitang tagabigay tulong ay nakalilito minsan, sapagkat sa mga kanlurang bansa, na ito kadalasan ginagamit, ang tagabigay tulong ay hidi kumikilos para sa lahat nang mga tao o kahit sa bulong pamayanan o isang grupo. Ang mga tagabigay tulong ay kadalasan humawak nang mga "kaso", at kadalasan tungkol sa isang tao o sa kasalukuyan tungkol sa isang pamilya. Ito ay lalong nakakalito sapagkat, nang ito ay itinuturo kadalasan nang isa sa mga departamento nang pamantasan, na kadalasan maliit, sila ay nakahalo sa dapartamento nang pag aaral ukol sa mga tao. Ang mga departamentong yon, ay kadalasan nandoon rin itinuturo ang pag-aaral ukol sa pagpapaunlad nang pamayanan (na naglakip sa karamihan na materyal na ginamit sa dakong ito). Ang pagpapaunlad nang Pamayanan, sa kabilang dako ay isang pamamaraan na ang pakay ay mga grupo nang mga tao, tulad nang mga grupo na nakabasi sa pamayanan, at hindi para sa isang tao lang. Pamayanan). Isa sa mga katotohanan na nagbibigay buhay upang mabuo ang dakong ito ay dahil sa na ang pagbibigay kakayahan sa isang pamayanan ay kailangan doon sa mga mahihirap na na bansa. Na ang pagbigay nang kakayahan para sa mga nagtratrabho sa pamayanan ay para lang sa mga nag-aaral sa mga pamantasan, ay nagkakaroon nang kakulangan sa mga maaring maging magpapa unlad nang pamayanan; ito ay dapat ituro sa mga pangsekondaryang mag aaral (mataposa silang makapagtrabaho at nagkaroon nang mga karanasan). Ang dokumentong ito ay hindi magtuturoi sa inyo kung paano maging isang tagabigay nang tulong ( tulad nang pagbigay sa inyo ukol sa patubig ay hindi para gawing kayong enhenyerong sibil), ngunit ito ay para tulungan kayong bumuo nang programa ukol sa Pagbibigay Tulong na nakabasi nang Pamayanan. Ang pagsasanay sa dakong ito ay nakatuon doon sa mga nagtratrabaho nang pamayanan na hindi kailangan pang pag-aralin pa doon sa pamantasan. Saan mas bagay ang Pagbibigay Tulong na nakabasi nang Pamayanan? Ang mg mayayamang bansa ay kadalasan makapagbigay nang tulong sa mga tao (para sa isang tao o sa isang pamilya, at hindi sa isang pamayanan), at sa kabilang dako ang mga mahihirap na bansa ay umaasa doon sa mga, payo, karanasan at kaalaman galing sa mga matatanda at mga membro nang pamilya. Sa pagkakataong ito, saan ngayon angkop ang programa sa pagbibigay tulong nang pamayanan? Ang pagbibigay tulong na nakabasi nang pamayanan ay kailangan sa mga lugar na hindi matulungan nang mga matatanda at mga pamilya, ngunit mayrong pundo ma magamit makapagbigay nang tulong para sa isang tao o pamilya. Ang kadalasan na maiisip nating na katayuan ang mga lugar na maraming taong nagsilikas dahil sa gulo at doon naninirahan sa mga kampo para sa mga nagsisilikas, sa mga mahihirap na bansa. At bilang dagdag diyan, pagkatapos nang gulo, ilan sa kanila ay babalik sa kanilang mga tinitirahan. Ang kanilang mga buhay ay masyado nang na apektuhan, may namatay na kasapi nang pamilya, kalakip ang mga tagabigay nang tulong, sa ganitong pagkakataon ay dapat panatilihin ang pagbibigay nang tulong. Basta mayron lang pundo na magamit para sa mga dalubhasa na tagabigay tulong para magmasid nang mga gawain sa pamayanan, pagpanatili nito sa karaniwang ayos, at mga tao nang pamayanan mismo na makapagbigay nang lakas, oras at pagmamahal sa paggawa nito. Hiwalay sa nagsilikas na mga tao, sa mga pangyayari na mayrong malalaking sakuna na magbunga sa pagkawala ang mga mga matatanda at membro nang pamilya, at maaring mag gambala sa sa mga karaniwan na grupo nang mga tao, ay kalakip sa mga pagkakataon na angkop ang ang pag buo nang mga programa sa pagbibigay tulong na nakabasi nang pamayanan. Ang mga pangyayari pagkatapos nang sakuna ay kalakip din dito. Sa mga lugar na may malaking grupo na nagsilikas, ang mga pangunahing serbisyo tulad nang pagkain, tubig, bahay, pangunahing gamot, ay kadalasan ibinibigay, nang Nagkaisang Bansa na mga ahensiya at dayuhang pribadong grupo. May ibinigay ding pera, ngunit mallliit lang ang tulong na ibingay ukol sa pagbibigay tulong na serbisyo. Sa ganitong pagkakataon ay kailangan ang pagbuo nang programa nang pagibibigay tulong na nakabasi nang pamayanan. Pananaw nang Pamayanan: Pag ang isang bata ay nakakita nang mga pang aabuso na makasira nang kanyang buhay, siya ay ma apektuhan. Sa pagkakita na ang iyong pamilya o kapitbahay ay binaril o namatay sa bomba ay, ay talagang magbibigay sa inyo nang pagkakatulala pag ikaw ay bata pa. Sa maraming pagkakataon, ang mga bata ay gustong magtago sa kanyang sarili, ayaw magsalita, o hindi sumasali sa mga usapan. Ang mga bata na naging tulala dahil sa mga masamang pangyayari ay hahantong doon sa mga kampo nang mga nagsilikas, at magpapakita nang mga kilos na kadalasan di maintindihan nang kanyang nalalabing pamilya o tagabigay tulong. Minsan siya ay akalaing nasiraan nang bait, at hindi na malunasan pa. Minsan siya ay akalaing na saniban nang masasamang espiritu. At minsan ang kanyang katayuan ay akalaing parusa dahil sa mga masamang ginagawa nang kanyang pamilya. Sa lahat nang mga pangyayaring ito, may lalaking kahihiyan at itinatago sa kanyang mga asal na ipinakita. Kadalasan ang kanyang tagapag alaga ay hindi maka intindi na siya ay nagka ganun dahil sa masamang pangyayari, at di nila alam na ang ganyang katayuan maari pang malunasan sa isang simpling mga gawain. Maraming pagkakataon ang mga batang iyon itinatago (o kinukulong) sa mga madilim na silid para di makita nang mga tao. Sila ay di makabihis nang kanilang sarili o makapaligo, at kadalasan nakaumang ang kanilang sariling kalat at masakitin, gutum, marumi, mahina at walang magawa. Ang pagsasadi doon sa madla ay walang mangyayari. Ang kailangan ay taos pusong pag aalaga sa bawat bata. Kung sila ay natulala dahil sa isang pang aaping pangyayari, at hindi dahli sa ibang bagay, sila ay maaring magpakita nang magagandang pagbabago, siloa ay makabihis nang kanilang sarili, makapaligo at makakain sa sarili nila. At ito ay nangangailangan nang, pagmamahal at pag-aalaga, gagawin ito hanggang sasapit nang ilang linggo at buwan. Ang mga bagay na makapagbigay alaala tulad nang manyika, o sa huli isang bola ay ilan sa mga bagay na makakatulong sa gawaing iyon. Ito ay sitwasyon, inulit ulit nang maraming beses sa buong mundo, na ang programa ukol sa pagbibigay nang tulong na nakabasi nang pamayanan ay bagay. Ang isang walang asawa, nakapagtapos nang kolehiyo, at dalubhasa na tagabigay tulong ay makasusuri sa buong katayuan, makapagbigay nang tumpak na mga gawain at makapagsubaybay. Ang tagapagpakilos nang pamayanan ay maaring makikipagtulungan sa mga tao upang makilala ang mga itinatago at nagtitiis na mga bata, maghanap nang tagapamayanan na makapagbigay nang tulong, magsaayos para sa kanilang pagsasanay at pagmamasid, magbuo nang grupo na nakabasi sa pamayanan upang mamahala at magpatakbo nang programa nang pagbibigay tulong na nakabasi nang pamayanan, at siguraduhin ang tuluy na daloy nang mga kaalaman. Ang mga lokal na kasapi, sa boluntaryong pamamaraan o may suhol, ay makapagbigay nang tulong at pag aalaga sa mga batang nangangailangan nang tulong, at palaging magbibigay nang ulat doon sa tagapagpakilos ukol sa mga pangyayari at ilang pagsasanay na kailangan. Ito ay isa lang sa mga katayuan na na kasali ang mga mahinang mga tao o mga tao nalipat sa kanilang mga tinitirahan dahil sa mga sakuna na gawa nang kalikasan o mga tao. Mga Prinsipyo sa Pangunahing Pangangalaga nang Kalusugan Ang Pangunahing Pangangalaga nang Kalusugan PHC palakad na ipinapatupad nang Grupo ukol sa Kalusugan nang Buong Mundo (Nagkakaisang ma Bansa-Grupo ukol sa Kalusugan nang Buong Mundo), ay may sariling mga pamamalakad, at maaring ang pinaka tanyag ay ang pag iwas ay mas mabuti kay sa lunas. Ito pang isa ay, angkop doon sa pagbibigay tulong na nakabasi nang pamayanan, ay ang ideya na ang mga kakayahan ay hindi dapat gagamitin sa isang mamahaling lunas para sa illang tao lamang. Nakapailalim dito ay ang palakad ukol sa kalusugan para sa madla tungkol sa pagsuporta nang pagtulong sa nakararami. Dahil sa maliit na pundo, ang ibig sabihin ay tumutok doon sa kaunting lokal na mga sakit, at magbigay nang pangkaraniwang pagsasanay sa mga tao na may mababa ang pinag aralan, at puntahan ang mga liblib na lugar at mga pasyente. Ito ay magbuo nang tanyag (ngunit di masyadong tumpak) na pamamaraan ukol sa "Nakapaang Mangagamot". (Tingnan mo rin Tubig at ang Pangunahing Pag aalaga nang Kalusugan). Kung ang palakad ukol Pangunahing Pag aalaga sa Kalusugan ay ilipat para sa pangangailangan nang serbisyo para sa mga tao, sa ganun ang ideya ay ang pagbigay nang karaniwang pagsasanay doon sa mga tao na di nakapag aral sa pamantasan, at pag aralan ang mga karaniwan at madaling lunasan na mga sakit, at pagpayo sa mga pasyente na papuntahin sa mga tunay na mangagamot sa mga malulubhang sakit. Ang pakay nang Pagbibigay Tulong na nakabasi nang Pamayanan, ay ang pagbuo nang grupo nang mga taga pamayanan na maaring mabigyan nang mababang antas nang pagsasanay (hindi nangangailangan nang pag aaaral sa pamantasan) upang lunasan ang mga kakaunting mga sakit nang mga mahihinang membro nang pamayanan. Ang kanilang mga gagawin ay hindi katulad nang mga tagabigay nang tulong na may pinag aralan at nakaranas nang maraming pagsasanay, ngunit sila ay makapagbigay nang tulong para sa nakararami kaysa paglagay nang isang dalubhasang tagabigay nang tulong. Ang pagbigay nang tulong sa nakararaming tao ay mas mabuti. balangkas: Ano ang maaring balangkas nang progrma nang Pagbigay Tulong na nakabasi nang Pamayanan? Pag mayrong maraming nagsilikas na mga tao o mga tao na ginagambala sa kanilang mga titirahan, at sila ay makakuha nang tulong para sa kanilang mga pangangailangan (tulad nang pagkain,tirahan, tubig, pabahay) ngunit walang nag aalaga sa kanila. At mayron kang isa o dalawang dalubhasang tagabigay tulong para sa maraming mga tao at napakahirap para sa kanila para makatulong sa buong pamayanan. At sa ganun ito ang katayuan na mainam upang magbuo nang bulontaryong grupo doon sa pamayanan. Ito ang pinaka bagay na basehan upang magtayo nang programa para sa Pagbigay Tulong na nakabasi nang Pamayanan. Ang dalubhasang Tagabigay Tulong ay kailangang maggawa nang pagsusuri nang mga pangangailangan upang makita ang mga katayuan na maaring malunasan nang mga lokal na tagabigay tulong na may mababang pagsasanay. Ang mga dalubhasang tagabigay tulong ay kailangan na magbigay nang pagsasanay at magmasid sa pagsasanay sa mga grupo na may kaugnayan sa pamayanan. Ang pagsusuri nang mga pangangailangan at ang pagbibigay nang pagsasanay ay dapat patuloy. Sila at ang mga tagapagpakilos nang Pamayanan ay kailangang mamili, mangumbinsi, at magsanay nang mga kasapi nang pamayanan, bilang mga tagapagpatupad nang programa, bilang mga gumagawa nang pagbigay tulong sa kanilang lugar at bilang mga tagamasid sa mga nangyayari sa kanikanilang mga pamayanan. Ang mga kasapi nang grupo nang pamayanan ay magpapatupad nang mga gawain sa pagbigay tulong. Sila ay dapat tulungan sa pamamagitan nag pagsasanay at gabay nang mga tagapagpakilos nang pamayanan at(hindi direkta) nang mga dalubhasang tagabigay tulong. Ang maging resulta ay tulad nang isang pyramid nang tagabigay tulong, ang mga dalubhasang mga tagabigay tulong sa itaas, mga tagasanay na tagabigay tulong (pangsamantala o tuloy tuloy) sa ilalim nang pagmasid nang mga tagabigay tulong, tagapagpakilos, mga pangulo nang pamayanan at namamahala nang mga grupo na nakabasi nang pamayanan at mga kasapi nang pamayanan na nagpapatupad nang lahat na mga gawain. Mga Tulong at Pagsasanay: Sa pangkabuohan, ang tagapagpakilos nang pamayanan ay hindi dapat sanayin, ngunit nangangailangan, nang tulong, pagsuporta, at isang pagkakataon na maaring makapagtanong ukol sa mga nangyayari sa pamayanan(tingnan ang Pamamaraan sa P{agsasanay). Sa Pagbigay Tulong na nakabasi nang Pamayanan. Una, ang tagapagpakilos hindi nakapag aral nang pamantasan (ang mga tagasubayabay sa dakong ito) ay nangangailangan nang tuluyang suporta at mga kaalamang tulong. Pangalawa, ang mga pangyayari na nakita doon sa Pagbigay Tulong na nakabasi nang Pamayanan nangangailangan na ang mga kumikilos doon sa pamayanan ay dapat magkita upang pag usapan ang kanilang mga karanasan at para magkaroon nang panibagong lakas at bagong interes at magandang asal. Ang programa nang pagbigay tulong na nakabasi nang pamayanan na isnalaysay sa itaas ay nangangailangan nang pabalik balik na pagtitipon upang ang mga tagapagpakilos ay magkitang palagi upang magbibigayan nag mga karanasan, magtanong ukol sa mga nangyayari , at para makakuha nang bagong mga kaalaman galing sa mga dalubhasang tagabigay tulong. Ang isang grupo na tagapagbigay nang pagsasanay ay ang sagot nito. At kung paano ito gagawin ay nakadepende sa pera na maaring magamit at pangangailangan. Ang pang unang programa sa pagsasanay para sa mga tagapagpakilos ay maaring makagamit sa pang unang anim na paksa sa dakong ito. Ito ay maaring i printa at ipamigay doon sa pagsasanay. Ito ay madaling gamitin sa pagbuo nang isang programa sa Pagbigay Tulong na nakabasi nang Pamayanan. Ang pagsasanay para sa pagbibigay tulong, sa kabilang dako, ay kailangang buohin at gagawin nang mga dalubhasang mga tagabigay tulong, pagkataos nilang gumawa nang pang unang pagsusuri sa buong katayuan, at maaring baguhin sa pagdating nang bagong kaalaman. panghuli Pag mayron lang isa o dalawang dalubhasang tagabigay tulong para sa maraming mga tao, o maraming mga pamayanan (tulad nang kampo nang mga nagsilikas) , at ang pagbibigay tulong ay hindi maka abot sa pangkalahatang mga tao, at ang mga tao maraming pangangailangan sa ganung tulong dahil sa mga sakuna dulot nang kalikasan o gawa nang tao, ang programa nang pagbibigay tulong na nakabasi nang Pamayanan ay maaring isang sagot. Ito ay nangangailangan nang pagsasa ayos nang mga kakayahan, paglagay nang mga tagabigay tulong sa paggawa nang pagsusuri, pagsusubaybay at pagmamasid, paggamit nang mga tagapagpakilos sa pagsasa ayos nang pamayanan sa paggawa nang mga pang araw araw na mga gawain, paggawa nang mga programa sa pagsasanay, pagtutuk doon sa mga sitwasyon na naka apekto sa karamihan, at ang pananatili sa mga pagsasanay, pagsuporta at gabay para sa mga tagapagpakilos at tagabigay tulong nang pamayanan. Sa isang angkop na katayuan, ang programang iyon ay maaring magamit at maging mabisa. ––»«––Pasasalamat: Nais kung pasasalamatan ang tulong ni Radda Barnen (Swedish Save the Children) sa pagmulat nang aking mga mata upang makita ang kahalagahan nang pagbibigy tulong sa pagpapakilos nang pamayanan. Ako ay nabigyan nang pagkakataon na makapagtrabaho para kay Radda Barnen nang apat na taon,1988-1992, bilang Pambansang Representante para sa Afghanistan at Pakistan. Doon ko nakita ang pag unlad at paglki nang programa nang Pagbigay Tulong na nakabasi nang pamayanan. Nang mga ilang naunang taon, samantalang ang Rusya ay sinasakop ang Afghanistan, isang Sweso ang Tagabigay Tulong ang sumusunod sa UNCHR at siya ang nagbigay nang tulong sa pangangailangan nang dalaw at kalahating milyon na mga nagsilikas galing sa NWFP na Probinsya nang Pakistan (at ang ibang isa at kalahating milyon doon sa probinsiya nang Baluchistan). Sila ang unang mga nagsilikas dahil sa pananakop nang Rusya, at sumunod sa taong 1992, mga nagsilikas dahil sa digmaang sibil sa pagitan nang mga ibat ibang tibu nang Afghanistan, nang sila ay lisanin nang Rusya. Sapagkat karamihan sa mga nagsilikas ay mga muslim (marami sa kanila ay naging tagasuporta nang Taliban), sila ay maraming mga pangangailangan na dapat matugunan. Ang mga babae ay hindi pinapayagan na lumabas sa kani kanilang mga bahay, at hindi makapag usap nang mga lalaking tagapagpakilos o tagasanay, at hindi maaring papag aralin sa mga kanlurang kaalaman. Ang mga dalubhasa na taga Peshawar na may karanasan ukol sa mga nagsilikas ay nagsabi nang maraming beses na , ito hindi maaring gagawin. Ang Radda Barnen at mga kawani nang Pamahalaan - Swedes, Afghanis at Pakistanis - mga tagabigay tulong, tagapagpakilos, mga tagasuporta at tagasanay - ay ginawa ito. Sila ay kumikilos sa pamamagitan nang mga paring muslim - malaams at Sheikhs - pinag-iingatang isinasabi ang kanilang mga ginagawa, samantalang sinusunod pamamaraan at asal nang Islam. Ang mga pari ay sumang ayon na ang mga babae ang dapat gumagawa para sa pagtulong sa mga mahihinang mga bata, ngunit sila ay nangangailangan mga pagsasanay upang gawin ito. Kanilang pinapayagan ang mga babaeng tagabigay tulong na tagasanay upang magtrabaho sa kanila sa kani kanilang mga tahanan. Ang bagong nabuong grupo na tagabigay tulong ay kumikilos sa mga kabahayan at sumusunod sa mga pamamalakad nang Islam. Pagkatapos nang iilang pagwai doon sa ilang mga mahihinang bata na pinili nang mga tagabigay tulong para sa espesyal na pakay na iyon, ang mga pari nang muslim ay inanyayahan na dumalo isa isa. At sa panghuli isa sa kanila ay nagsabi na," ito ang aming jihad na tagabigay tulong". Ang kanilang suporta sa kalaunan ay kanilang ibinigay sa kanilang mga seremonya sa kanilang simbahan. Ang programa ay nabuhay at lumaki- hanggang nang ang ibang mga dayuhang mga pribadong grupo na nagtratrabaho sa mga babae ay nagkaroon nang matinding pagsalungat, ilan ay pinalayas, at inakusahang gumawa nang masamang inpluensiya sa mga tao. Hindi ako ang responsable sa paggawa nang programa, o kung paano ito pa ubrahin (kahit gusto ko sanang sabihin). Ako ay nakapunta dito at natuto. Maraming inpormasyon ukol sa programa ay makita doon sa: Phil Bartle at Eva Segerstrom, "A Community Self-Help Approach; Refugee in Pakistan," pp 6-9, Children Worldwide, vol. 19, No 1/1992, ICCB, 65 rue de Lausanne CH-1202, Switzerland. Nais kung banggiting ang pagiging masipag, taos pusong paggawa, pagtitiis at paniniwala sa lahat nang mga kawani nang Radda Barnen, Sweso, Afghani, at Pakistani. Kahit hindi ko mabanggit ang lahat dito, nais kung sabihin sina Haken Torngard at Eva Segerstrom. Sila ay mga bayani nang mga bayani. Para sa maraming kaalaman, tingnan ang Radda Barnen na mga dako,(Englis): http://www.rb.se/eng/, (Swedish): http://www.rb.se/sv/, or email a question to: info@rb.se ––»«––Pagsa-ayos Nang Pamayanan sa Loob nang Kampo nang mga Nagsilikas: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
unang pahina |
pagsuporta |