Pangunahing Pahina
 Pamamaraan ng Pagsasanay




Mga Salin

Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

MGA SLOGANS AT MGA KASABIHAN

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni May M. Virola


Mga Ipamimigay sa Pagsasanay

Minsan ang isang simulain na nais mong ipabatid, bilang isang tagapagpakilos, ay maaaring paikliin at gawing mga pariralang nakakaaliw o nakakakiliti ng isip. Maaari silang ulitin bilang isang grupo para bigyang diin ang kuro-kuro. Maaari silang ilimbag at ipaskil sa dingding ng opisina. Ang ilan (hindi kasama dito) ay magagamit sa teksto ng mga modulo sa pagsasanay.

Narito ang isang maliit na katipunan ng ilang mga kasabihan at slogans na maaari mong gamitin sa iyong mga gawain sa pagpapakilos. Gaya ng mga kwento, ang mga slogans na ito ay hindi lamang para makalibang, kungdi makabuluhan din sila sa pagbibigay ng puntos sa mga simulain upang mas madaling maintindihan ng mga miyembro ng komunidad.

Pangunahing Liksiyon ng Pamamatnugot:

Para sa mga magagaling na lider, hindi sila napapansin ng mga tao. Ang sumunod na magaling, ay binibigyan ng karangalan at papuri. Ang susunod ay kinatatakutan ng mga tao, at ang kasunod ay kinamumuhian ng mga tao. Kapag ang gawain ng pinakamagaling na lider ay natapos, sasabihin ng mga tao "Nagawa nating mag-isa."

Lao Tsu

Pangunahing Liksiyon ng Pamamahala:

Dalawang bagay lang ang mayroon sa buhay, mga Dahilan at mga Bunga (resulta)
(ang mga dahilan ay hindi kabilang)

Robert Anthony

Pangunahing Liksiyon ng Pagpaplano:

Kung hindi mo alam kung saan ka patungo, kahit anong daan ay magsisilbi.

Lewis Caroll

Pangunahing Liksiyon ng Pagsasarili:

Kung sinisisi ang iba, isinusuko mo ang iyong kapangyarihang magbago.

Robert Anthony

Pangunahing Patakaran ng Pagkakalpintero:

Sukatin ng dalawang beses, putulin ng minsan (hindi ang kabaligtaran)

Al Bartle

Pangunahing Patakaran ng Pagtatahas ng Kamalayan:

Ang isang magandang mensahe ay dapat:
  1. panatilihing simple at dapat
  2. makaabot sa lahat ng tao.
Phil Bartle

Pangunahing Patakaran ng Pag-Iinhinyero:

Kung hindi sira, huwag ayusin.

(hindi kilala ang sumulat)

Pangunahing Patakaran ng Pamamahala:

Huwag kumayod ng husto, kumuha ng resulta.

Bill Owen

Pangunahing Patakaran ng Padidisenyo ng Proyekto:

Kung bumagsak sa ka pagpaplano, gayon babagsak ang iyong plano.

Di-kilala

Ang Tulang "Humayo": Humayo.

Hindi sapat para sa'yo na tagapagpakilos, na kopyahin at isaulo ang mga ito. Gumawa ng sarili mong koleksyon at gamitin ang mga ito. (Magandang umpisahan ang pagtingin sa teksto ng handbuk; maraming slogans ang hindi nakalista dito ang ginagamit para isalarawan ang mga pamamaraan ng pagpapakilos).

Mga slogans na pangkalakalan at mga kasabihan kasama ang iba sa mga pulong, workshops, mga seminaryo, at impormal na mga pulong. Patuloy na gumawa ng mga pamamaraan para magamit ang mga ito, at suriin ang mga resulta.

––»«––

Marami ka pa bang mga kasabihan, mga slogan, mga tula o maiikling pangungusap na maaaring makatulong sa pagsasalarawan ng mga prinsipyo ng paglilinang ng komunidad at sa pagsasanay sa pamamahala? Ipadala ang mga ito sa akin. Huwag kalimutang banggitin ang may akda, kung mayroon, or kung hindi kilala ang may akda. Isama ang iyong sariling pangalan, lokasyon, adres elektroniko (email address) at web site, kung mayroon. Ang iyong mga isinumite na ilalagay sa lugar na ito ay kikilalanin.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 05.06.2011


 Pangunahing pahina

 Pamamaraan ng Pagsasanay